Ipinahayag Martes, Disyembre 29, 2015 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang bukas at inklusibong estratehiya, ang inisyatibo ng One Belt at One Road(OBOR) ay hindi para sa geopolitics aims. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapalakas ng konektibidad sa pagitan ng Asya-Europa at mga ibang kontinente, pagpapasulong ng kabuhayan ng mga bansa sa kahabaan ng OBOR, at pagpapasigla ng kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ni Lu na patuloy na mapapasulong ng Tsina ang pragmatikong pakikipagtulungan sa nasabing mga bansa, batay sa prinsipyo ng magkasamang pagsasanggunian, pagtatatag at pagtatamasa, para maisakatuparan ang win-win situation.