Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, lumagda sa Kasunduan ng AIIB

(GMT+08:00) 2016-01-01 16:13:43       CRI
Bilang kinatawan ng pamahalaan ng Pilipinas, lumagda kahapon, Huwebes, ika-31 ng Disyembre, sa Beijing si Ambassador Erlinda F. Basilio sa Kasunduan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Ito ay palatandaang lumahok ang Pilipinas sa bangkong ito, bilang bansang tagapagtatatag.

Pagkatapos nito, pawang lumagda sa naturang kasunduan ang lahat ng 57 bansang tagapagtatatag ng AIIB.

Kaugnay ng paglahok ng Pilipinas sa AIIB, ipinahayag kahapon ni Herminio Coloma, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office, na ito ay desisyong ginawa ng pamahalaan, batay sa pangangailangan para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa.

Sinabi naman ni Charles Jose, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, na ito ay walang kinalaman sa isyu ng South China Sea.

Nauna rito, ipinahayag naman ni Cesar Purisima, Kalihim ng Pananalapi, na makikinabang ang Pilipinas sa paglahok sa AIIB, bilang bansang tagapagtatatag. Sa pamamagitan nito aniya, palalawakin ang pamilihan ng iba't ibang sektor na may kinalaman sa imprastruktura.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>