Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mensaheng Pambagong Taon ni Presidente Wang Gengnian ng CRI

(GMT+08:00) 2016-01-01 16:03:33       CRI

Sa pamamagitan ng radyo at website, ipinahayag ngayong araw ni Presidente Wang Gengnian ng China Radio International (CRI) ang kanyang taos pusong pambagong taong pagbati sa lahat ng mga tagasubaybay ng CRI sa buong daigdig. Ipinahayag ni Wang na kahit nagbabago ang paraan ng komunikasyon, iginigiit ng CRI ang misyong ipakita sa Tsina ang daigdig, ipakita sa daigdig ang Tsina, at mapahigpit ang pagpapalitan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at daigdig. Aniya pa, sa bagong taon, ihahatid ng CRI ang mas magaganda at mas napapanahong serbisyong pang-impormasyon at isagawa ang mas maginhawang pag-uugnayan sa mga tagatangkilik. Narito ang talumpati ni Presidente Wang ng CRI.


"Mga giliw na tagapakinig, manonood, at netizens:

Pumasok na ang taong 2016, sa ngalan ng CRI, ipinapaabot ko sa lahat ng tagapakinig sa buong daigdig ang taos pusong pagbati. Manigong Bagong Taon! Sana'y maging maligaya at malusog ang pamumuhay po ninyo!

Mahalaga ang nagdaang 2015. Sa taong ito, sinalubong natin ang ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Fascist War ng daigdig at ng pagtatatag ng United Nations. Idinaos ng iba't ibang bansa ang aktibidad ng paggunita at pagninilay-nilay sa iba't ibang porma. Noong taong 2015, nagsikap ang lahat ng bansa para malikha ang bagong kayarian ng pangangasiwa sa pagbabago ng klima. Noong taon ding iyon, idinaos ang ika-5 Sesyong Plenaryo ng ika-18 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na itinakda ang bagong blueprint ng kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng Tsina sa darating na limang taon at naipakita sa daigdig ang tiwala ng Tsina.

Noong 2015, sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang bansa, itinatatag natin ang "Community of Shared Destiny". Bagama't mayroon pang pagkakaiba at alitan sa ilang rehiyon, ang kapayapaan, kaunlaran at kooperasyon ay nananatiling tema ng kasalukuyang daigdig at mithiin ng mga mamamayan. Tulad ng sinabi ni Juan Diez, isang tagasubaybay ng CRI mula sa Espanya na "nangangailangan ang kasalukuyang daigdig ng kapayapaan, kung walang kapayapaan, mawawala ang buong sangkatauhan at lahat ng sibilisasyon. Ang diyalogo at kooperasyon ay makakabuti sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, samantala, ang alitan ay makakapinsala sa daigdig." Sa mula't mula pa'y, nananalig kami na mapapahigpit ng pagpapalitan ang pag-uunawaan at mapapasulong ng komunikasyon ang pagkakaibigan.

Sa taong 2015, iginigiit natin ang mga prinsipyo ng pamamahayag at pag-uulat mula sa perspektibong Tsino na may pandaigdig na pananaw at katangian. Para mapataas ang kaalaman at isulong ang pagkakaibigan sa pagitan mga mamamayang Tsino at buong daigdig, inihandog natin ang mga multimedia project na gaya ng "Hello, China!", "China-ASEAN Friendship Concert", at "Discover the Beauty of Asia" at inasahang sasamantalahin ang nasabing mga pagkakataon, upang malaman ng mas maraming kaibigan ang isang tunay, umuunlad at modernong Tsina. Pagkaraang bumisita ng Tsina, ganito kami napasigla ni Suresh, isang netizen mula sa Indya, "ang pagsisikap ng CRI ay nakapagbigay-ambag sa paglutas ng pagkakaiba at alitan sa pagitan ng iba't ibang kultura at grupo para maisakatuparan ang hangaring maging magkakapamilya ang buong mundo. "

Mga kaibigan, ang inyo pong pagsubaybay at pag-suporta ay pinakamalaking puwersang tagapagpasulong para sa pag-unlad ng CRI. Sa taong 2015, natanggap natin ang halos 14.6 na milyong feedback mula sa 161 bansa at rehiyon, at ang bilang ng mga followers natin sa social media ay lumampas sa 56.3 milyon. Ang bawat tagasubaybay ay kaibigan natin at ang bawat pagklik ay kinabibilangan ng pag-asa ninyo. Salamat po sa inyo!

Sa bagong taon, sa kabila ng pagbabago ng paraan ng komunikasyon, igigiit pa rin ng CRI ang misyong ipakita sa Tsina ang daigdig, ipakita sa daigdig ang Tsina, at mapahigpit ang pagpapalitan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at daigdig. Sa bagong taon, ihahatid ng CRI ang mas maganda at mas napapanahong serbisyong pang-impormasyon at isagawa ang mas maginhawang pag-uugnayan sa mga tagatangkilik.

Muli, Manigong Bagong Taon, at Mabuhay po!"

Ito po ang mensaheng Pambagong Taon ni Presidente Wang Gengnian ng CRI sa mga tagasubaybay. Mga kaibigan, sana'y maging maligaya ang bagong taon sa inyong lahat!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>