|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na inilabas ngayon araw ng Pambansang Kawanihan ng Industriya ng Panggugubat ng Tsina, noong taong 2015, ang kabuuang halaga ng output ng industriya ng panggugubat ng Tsina ay umabot sa 5.81 trilyong yuan RMB o halos 881.4 bilyong Dolyares. Ito ay nasa unang puwesto sa daigdig.
Bukod dito, ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng mga produktong panggubat ay umabot sa 140 bilyong Doyares.
Ipinahayag ni Zhang Jianlong, Puno ng nasabing kawanihan, na sa taong 2016, ibayo pa nitong pasusulungin ang green industry at mga bagong sibol na industriya na may kinalaman sa gubat na gaya ng bagong materyal, bagong enerhiya, medisina, at turismo.
Sinabi pa niyang sa pamamagitan ng pagpapasulong ng naturang mga industriya, ibayo pa nilang pasusulungin ang pagdaragdag ng bilang ng mga hanap-buhay at paglaki ng kita ng mga magsasaka.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |