4 na katao ang nasawi, at 2 iba pa ang nasugatan sa pagsabog na naganap ngayong araw, Miyerkules, ika-13 ng Enero, malapit sa Konsulada ng Pakistan sa Jalalabad, Afghanistan.
Ayon sa tagapagsalita ng lokal na pamahalaan, isang suicide bomber ang nagtangkang pumasok sa naturang konsulada, pero napigilan siya ng mga pulis. Pagkatapos, pinasabog niya ang dalang bomba, na ikinamatay ng 4 na pulis, at ikinasugat ng 2 sibilyan.
Matatagpuan din sa lugar na pinangyarihan ang mga konsulada ng Indya, Iran, at iba pang bansa.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon ang umangkin ng responsibilidad sa insidenteng ito.
Salin: Liu Kai