Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ng Pangulong Tsino sa Gitnang Silangan, magpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at Gitnang Silangan

(GMT+08:00) 2016-01-18 17:02:12       CRI

Sa paanyaya nina Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia, Pangulong Abdelfattah al Sisi ng Ehipto, at Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, mula ika-19 hanggang ika-23 ng kasalukuyang buwan, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa naturang 3 bansa.

Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing ngayong araw, Enero 18, 2016, ng isang mataas na opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang nasabing biyahe ng Pangulong Tsino ay magdudulot ng malaki at pangmalayuang impluwensiya sa pagpapalalim ng relasyon ng Tsina at tatlong bansa. Aniya, sa panahon ng biyahe, magpapalitan ng kuru-kuro sina Xi at mga lider ng 3 bansa tungkol sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig para magkakasamang mapasulong ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon at buong daigdig.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>