Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Official campaign season para sa mga kandidato sa pambansang posisyon, nagsimula na

(GMT+08:00) 2016-02-09 18:02:36       CRI

KANYA-KANYANG pakulo at gimmick ang ginawa ng mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at senador mula kaninang umaga sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Sa panig ni dating Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II at Congresswoman Leni Robredo, magdaraos sila ng kanilang proclamation rally sa Capiz sapagkat doon nagsimulang maglingkod ang presidential standard bearer bilang isang congressman.

Nakatakdang gawin ang isang motorcade patungo sa Freedom Grandstand sa Iloilo para sa ikalawang proclamation rally ngayong gabi. Hindi sumama sa motorcade si Pangulong Aquino subalit makakasama sa grandstand upang itaguyod ang kanyang mga kandidato.

Sinabi ni Pangulong Aquino na handa siuyang mangampanya kasama ang mga kasapi ng Liberal Party subalit tuloy pa rin ang kanyang paglilingkod sa taongbayan at walang ni isang kusing ang magmumula sa kaban ng bayan sa buong kampanya.

Nagsimula ng kanilang kampanya sina Senador Miriam Defensor-Santiago at Senador Ferdinand Marcos sa Lungsod ng Batac, sa Ilocos Norte, ang pinagmulan ni yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Nagkaroon pa sila ng motorcade na mainit na sinalubong ng mga mamamayan.

Sa Davao del Norte naman, isang motorcade ang kinatumpukan ng mga politikong sumusuporta Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang naganap sa Tagum City kaninang umaga.

Si Mayor Duterte at ang kanyang kasamang si Senador Alan Peter Cayetano ay naglunsad ng kanilang kandidatura sa Tondo, Maynila.

Si Vice President Jejomar C. Binay naman at ang kanyang kasama ng si Senador Gregorio "Gringo" Honasan ang nagsagawa ng kanilang kick-off campaign sa Welfareville Compound sa Mandaluyong City, sa gitna ng maralitang taga-lungsod.

Walang sinumang artista sa kanilang talaan sa programang sinimulan kaninang ikalawa ng hapon. Aktibong kasapi ng UNA si Mayor Benhur Abalos ng Mandaluyong.

Magtatalumpati sina Alma Moreno, Sulu Princes Jacel Kiram, Atty. Allan Montano, dating SAF chief Getulio Napenas, brodkaster na si Rey Langit at Saranggani Congressman Manny Pacquiao. Inaasahan ding magsasalita si Ley Congressman Martin Romualdez.

Magtatalumpati si Senador Gregorio Honasan bago magsalita si Vice President Jejomar C. Binay. Magsasagawa ng rally ang grupo ni Vice President Binay sa Laguna, Cavite, Batangas, Rizal at Quezon mula ngayon hanggang Linggo.

Kaninang ika-apat ng hapon naglunsad ng kanilang kampanya si Senador Grace Poe at Senador Francis Escudero sa Plaza Miranda, ang madalas na pagdausan ng mga debate at kampanya ng mga kandidato bago sumapit ang Martial Law Noong 1972.

Ayon kay Cebu Congressman Ace Durano, katatampukan ang kampanya ni Senador Poe at Senador Escudero ng mga artista at mga banda subalit mananatiling bida ang kanilang mga kandidato.

Walang mga malalaswang pagsasayaw ng mga kababaihan tulad ng ginawa noong kaarawan ni Congressman Benjamin Agarao.

Tatlong mga komedyante sa programang "Eat Bulaga" ang magsisilbing masters of ceremonies sa programa. Tampok sina Wally Bayola, Jose Manalo at Ruby Rodriguez sa political rally.

Isa sa mga kasama sa programang Eat Bulaga, si Senador Vicente Sotto ay bahagi ng talaan ng mga senador si Senador Grace Poe.

Magtatapos ang kanilang rally sa ganap na ika-pito at kalahati ng gabi sa Plaza Miranda.

Wala pang pormal na balita hinggil sa pag-aalis ng pangalan ng namayapang presidential aspirant na si dating Ambassador Roy V. Seneres.

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Elections ang pangangampanya ng mga kandidato para sa local positions.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>