Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, bumati sa pagdiriwang ng Chinese New Year

(GMT+08:00) 2016-02-09 18:05:08       CRI

NAKIISA si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagdiriwang ng Chinese-Filipino community ng Lunar New Year.

Sa kanyang mensahe, sinabi niyang ang kultura ng mga Tsinoy ay nakapagpalalim at sigla sa kasaysayan ng bansa. Sa kanyang mensaheng inilabas mula sa Malacanang, sinabi niyang hindi matatawaran ang mga nai-ambag ng mga Tsinoy at ang kakaibang kultura ay nakasama na sa lahing Filipino.

Kasama ang pamahalaan sa pagdiriwang ng Lunar New Year, ang isa sa pinakamahalagang okasyon sa buhay ng mga Tsino.

Umaasa siyang higit na magpapayaman at magbibigay-diin at magsusulong ng mga pinahahalagahan na siyang namumukod-tanging bahagi ng Pilipinas.

Dalangin din niya ang kaligayahan, kaunlaran at kalusugan ng mga Tsinoy ngayong bagong taon. Piyesta opisyal ang Chinese New Year sa Pilipinas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>