|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ng Malacanang na tinanggap na ni Pangulong Benigno Aquino III ang liham ng pagbitiw sa tungkulin ni Albert del Rosario, Kalihim ng Ugnayang Panlabas.
Sinabi ni Herminio Coloma, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), na si del Rosario ay opisyal na aalis sa kanyang puwesto sa ika-7 ng darating na Marso.
Hindi naman sinabi ni Coloma kung sino ang papalit kay del Rosario bilang bagong Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |