Sa kanyang blog, isinulat kahapon ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na pangangalagaan ng kanyang pamahalaan, hanggat makakaya, ang kapayapaan, harmonya at kaligtasan ng Malaysia. Aniya, wala siyang gagawing kompromiso sa mga palagay o aksyong magsisilbing panganib sa mga mamamayan.
Sa kanyang talumpati bilang pagbati sa Spring Festival, ipinahayag kamakailan ni Liow Tiong Lai, Direktor ng Malaysian Chinese Association, ang kanyang pag-asa na sa taon ng unggoy, magiging normal ang relasyon ng mga lahi at relihiyon, at magkakasamang lalabanan ang ekstrimismo.
Salin: Andrea