|
||||||||
|
||
Happy Valentine's Day, mga kaibigan! Sa susunod na litrato, makikita ninyo kung papaano pinaghahandaan at ipinagdiriwang ng mga tao sa iba't-ibang parte ng mundo ang Araw ng mga Puso.
Sa maraming lugar ng Tsina, pinipili ng marami ang magparehistro ng kasal sa Valentine's Day.
Sa Macau, idinaraos mula ika-12 hanggang ika-29 ng buwang ito ang light sculpture exhibition bilang pagdiriwang sa Valentine's Day.
Itinanghal, Pebrero 13, 2016 sa LED Rose Garden, Seoul, Timog Korea ang isang malaking eksibisyon. Ineksibit dito ang 25,000 rosas na gawa sa Light Emitting Diode (LED) para makalikha ng romantiko at matamis na atmospera.
Isinaayos kagabi, Pebrero 13, 2016 ng isang lalaki ang mga bulaklak sa flower shop Peshawar, Pakistan. Para sa ilang Pakistani, ang pagdiriwang ng Valentine's Day ay hindi kaugalian ng mga Muslim.
Bumili kahapon, Pebrero 13, 2016 ng bulaklak ang isang babae sa Lahore, Pakistan.
Ideniliber kahapon, Pebrero 13, 2016 ng isang lalaki ang mga lobong may hugis puso gamit ang motor bike sa Lahore, Pakistan.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |