Ayon sa ulat kamakailan ng metrotvnews.com, mula noong ika-25 ng Enero ng taong ito, binuksan ng Lion Air ang mga flight mula Bali Island, Indonesya patungong lunsod ng Changsha at Wuhan ng Tsina.
Bago magbukas ang nasabing mga bagong flight, mula noong 2013, maraming turista mula sa Changsha at Wuhan ng Tsina ang sumakay ng mga chartered flight ng Lion Air patungong Bali Island, at umabot sa 120 libo ang karaniwang person-time bawat 3 buwan.
Napag-alamang sisimulan ng Lion Air ang iba pang mga chartered flight mula Indonesya patungong mga lunsod ng Tsina na gaya ng Chongqing, Nanchang, Nanning, Hong Kong, Urumqi at Harbin.
salin:wle