|
||||||||
|
||
Napag-alaman kahapon, Pebrero 16, 2016, ng mamamahayag mula sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong Enero, aktuwal na nagamit ng Tsina ang mahigit 88.2 bilyong Yuan, RMB na pondong dayuhan. Ito ay mas malaki ng 3.2% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ayon sa datos mula sa nasabing ministri, malaki ang bahagdan ng paglaki ng pamumuhunan ng Amerika, Unyong Europeo (EU), at Hapon sa Tsina na magkakahiwalay na umabot sa 463.6%, 30.9%, at 22.8%.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |