Kuala Lumpur, Malaysia—Tinukoy noong Huwebes, ika-18 ng Pebrero, 2016, ng Bangko Sentral ng Malaysia na kahit lumaki ng 5% ang kabuhayan ng Malaysia noong 2015, mahaharap ito sa mas malaking hamon sa hinaharap. Noong ika-4 na kuwarter ng nagdaang taon, umabot sa 4.5% ang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansang ito, na mas maganda kaysa ekspektasyon ng pamilihan.
Ayon sa pahayag na inilabas ng nasabing bangko nang araw ring iyon, dahil sa di-maaliwalas na kapaligirang pangkabuhayan sa labas at isinasagawang reporma sa kabuhayan sa loob ng bansa, mahaharap ang paglago ng kabuhayan sa panganib ng pagbaba. Tinaya rin ng pahayag na babagal ang paglaki ng pangangailangang panloob.
Salin: Vera