Pinuna kagabi, Pebrero 20, 2016, ng Ministring Panlabas ng Rusya ang pagpilipit ng Hapon sa kasaysayan noong World War II.
Nauna rito, ipinahayag ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, na hindi pa natatapos ang konklusyon ng lahat ng mga isyung may-kinalaman sa Hapon at Rusya noong WWII. Dapat din aniyang lutasin ang isyu ng teritoryo sa pagitan ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Minstring Panlabas ng Rusya, na noong ika-2 ng Setyembre, 1945, opisyal na lumagda ang Hapon sa kasunduan ng kapitulasyon para aminin ang pagkatalo nito sa WWII, at isabalikat ang lahat ng mga responsibilidad sa digmaan.
Ipinahayag pa ng panig Ruso na noong 1956, napanumbalik ang relasyong diplomatiko ng Rusya at Hapon, at ito ay naisakatuparan sa pundasyon ng pagkilala ng Hapon sa mga konklusyon pagkatapos ng digmaan. Anang pahayag, ang pananalita ng panig Hapones ay malubhang pumilipit sa kasaysayan.
Salin: Ernest