Washington D. C. Estados Unidos--Kinatagpo nitong Miyerkules, Pebrero 24, 2016 (local time) ni Susan Rice, Tagapayo ng Pambansang Seguridad ng Amerika si Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina.
Kapuwa ipinahayag nina Wang at Rice ang kahalagahan ng pagpapalawak ng pagtutulungang Sino-Amerikano at pagkontrol sa kanilang pagkakaiba. Sumang-ayon din silang ang malakas at mahigpit na ugnayang Sino-Amerikano ay makakabuti sa dalawang bansa at ito ay pinananabikan din ng komunidad ng daigdig.
Ipinangako rin ng dalawang lider na panatilihin ang katatagan ng South China Sea at lutasin ang mga may kinalamang isyu sa pamamagitan ng diyalogo.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio