|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon, February 24, 2016, sa Bangkok, kabisera ng Thailand, ang unang working meeting ng Workshop on ASEAN+3 Drug Monitoring Network para pasulungin ang pagbabahaginan ng mga impormasyon sa paglaban sa droga.
Ang naturang mekanismo ay nasa ilalim ng balangkas ng ASEAN Narcotics Cooperation Centre (ASEAN-NARCO).
Dumalo sa pulong na ito ang mahigit 100 kinatawan mula sa mga bansang ASEAN, Tsina, Timog Korea, Hapon (ASEAN+3), UN Office on Drugs and Crime (UNODC) at Sekretaryat ng ASEAN.
Ayon sa naturang pulong, itatatag ang mga may-kinalamang departamento ng mga bansang ASEAN, Tsina, Timog Korea at Hapon para ipagkaloob ang mga impormasyon sa paglaban sa droga.
Bukod dito, isasapubliko ng naturang mekanismo ang ASEAN Drug Monitoring Report sa taong 2016.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |