Sanya, Tsina—Idinaos dito February 24, 2016, ang ika-3 Lancang-Mekong Cooperation Senior Officials' Meeting. Dumalo sa pulong na ito ang mataas na opisyal ng Tsina, Thailand, Cambodia, Laos, Myanmar at Biyetnam para talakayin ang mga gawaing paghahanda para sa unang pulong ng mga lider ng naturang mga bansa hinggil sa kooperasyon sa rehiyon ng Lancang-Mekong River.
Ang kooperasyon sa rehiyon ng Lancang-Mekong River ay bahagi ng mga koopreasyon ng Tsina at ASEAN. At ang naturang pulong ng mga lider ay naglalayong pasulungin ang pag-unlad ng sub-region ng Mekong River at konstruksyon ng ASEAN Community.
Noong Nobyembre ng 2015, idinaos sa Jinghong ng lalawigang Yunan ng Tsina ang unang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng naturang 6 na bansa para pormal na simulan ang proseso ng Lancang-Mekong Cooperation.
Lancang River, tawag sa itaas na bahagi ng Mekong River sa Tsina.
Salin: Ernest