|
||||||||
|
||
Pinagdarausan ng unang news briefing ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC)
Si Wang Guoqing, Tagapagsalita ng naturang sesyon
Kaugnay ng kalagayan ng kabuhayang Tsino, sinabi ni Wang na bagama't bumagal noong isang taon ang paglaki ng GDP ng Tsina, mataas pa rin sa buong daigdig ang 6.9% na paglaki. Dagdag niya, sa pamamagitan ng mga estadistikang pangkabuhayan noong Enero ng taong ito, nakikita ang positibong signal at magandang tunguhin ng kabuhayang Tsino. Dapat aniya magkaroon ng kompiyansa sa kabuhayang Tsino.
Sinabi rin ni Wang na sa kasalukuyang sesyon ng CPPCC na bubuksan bukas, ihaharap ng mga kagawad ang mga palagay at mungkahi, pangunahin na, hinggil sa pagbalangkas at pagsasagawa ng ika-13 panlimahang taong plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |