Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komunidad ng daigdig, kumatig sa pagpapatibay ng UNSC ng resolusyon tungkol sa Hilagang Korea

(GMT+08:00) 2016-03-03 16:05:55       CRI

Ayon sa Xinhua News Agency, buong pagkakaisang pinagtibay kahapon, Marso 2, 2016, ng United Nations (UN) Security Council (UNSC) ang resolusyon bilang 2270, kung saan itinatadhana ang isang serye ng hakbangin ng sangsyon bilang tugon sa planong nuklear ng Hilagang Korea. Inulit din nito ang pagkatig sa pagpapanumbalik ng Six-Party Talks at pagsasakatuparan ng target ng walang-nuklear na Korean Peninsula sa mapayapang paraan. Kinakatigan ng komunidad ng daigdig ang nasabing resolusyon, at hinimok nila ang Hilagang Korea na itakwil ang planong nuklear, at lutasin ang isyung nuklear ng Korean Peninsula sa pamamagitan ng diyalogo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN na ipinalabas ng nagkakaisang aksyon ng UNSC ang malinaw na signal na dapat ganap na tupdin ng Hilagang Korea ang obligasyong pandaigdig nito. Hinimok din niya ang Hilagang Korea na tupdin ang resolusyon. Nanawagan siya sa lahat ng kasaping bansa ng UN na igarantiya ang pagsasagawa ng resolusyong ito.

Sinabi naman kahapon, Marso 2,2016, ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang nasabing resolusyon ay dapat maging bagong simula at "slabstone" sa paglutas sa isyung nuklear ng Korean Peninsula sa paraang pulitikal. Upang mapabuti ang situwasyon sa Korean Peninsula, at talakayin ang maisasagawang plano para sa paglutas sa nasabing isyu, hinimok aniya ng panig Tsino ang mga may-kinalamang panig na magkakasamang pasulungin ang talastasang nuklear.

Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon, tinatanggap ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang naturang resolusyon. Ito aniya ay malakas, nagkakaisa, at angkop na reaksyon ng komunidad ng daigdig sa probokasyon ng Hilagang Korea.

Sa isa namang pahayag na ipinalabas ngayong araw, Marso 3, 2016, nagpahayag ang Pamahalaang Timog Koreano ng pagtanggap at pagkatig sa nasabing resolusyon ng UNSC. Hinimok nito ang Hilagang Korea na tanggapin ang may-kinalamang kahilingan ng komunidad ng daigdig.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>