Ayon sa China Radio International (CRI), ipinatalastas nitong Martes, Marso 1, 2016, ng Pamahalaang Malay, ang pagsasagawa ng visa-free at e-visa policy sa mga turistang Tsino para maabot ang target ng pag-akit ng 2 milyong turistang Tsino bawat taon.
Nang kapanayamin kahapon, Marso 2, 2016, ng mamamahayag ng CRI, ipinahayag ni Mohamed Nazri Abdul Aziz, Ministro ng Turismo at Kultura ng Malaysia, na ang Tsina ay mahalagang pamilihan na pinagmumulan ng dayuhang turista ng Malaysia. Aniya, ipagkakaloob ng kanyang bansa ang mas maraming ginhawa sa mga turistang Tsino, at igagarantiya ang seguridad at kaligayahan ng mga turistang Tsino sa kanyang bansa.
Nitong sampung (10) taong nakalipas, umakyat sa mahigit 1.6 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino sa Malaysia noong 2015, mula 530 libo noong taong 2006.
Salin: Li Feng