Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon, Marso 2, 2016, kay Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na bilang komprehensibong estratehikong partner, napapanatili ng Tsina at Rusya ang mahigpit na kooperasyon sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig. Aniya, nagkaroon kamakailan ang dalawang bansa ng mabisang pagsasanggunian hinggil sa bagong resolusyong pinagtibay ng UN Security Council sa Hilagang Korea. Narating aniya ng dalawang panig ang mahalagang komong palagay tungkol sa pagpigil sa ibayo pang pagpapaunlad ng Hilagang Korea ng planong nuklear, pag-iwas ng giyera at kaguluhan sa Korean Peninsula, at pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng Tsina at Rusya.
Ipinahayag naman ni Lavrov ang kahandaan ng panig Ruso na patuloy na panatilihin ang pakikipagsanggunian sa panig Tsino para mapangalagaan ang kapangyarihan ng sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear, at mapanatili ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng