Ayon sa China Radio International (CRI), alas-11:00 bukas ng umaga, Marso 4, 2016, idaraos sa Great Hall of the People ang news briefing ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Ilalahad ng tagapagsalita nito ang may-kinalamang kalagayan sa mga Tsino at dayuhang mamamahayag at sasagutin ang mga tanong ng mamamahayag.
Sa panahong iyon, isasagawa ng CRI ang live coverage sa Mandarin at wikang Ingles. Samantala, isasagawa ng www.cri.cn, http://english.cri.cn, at http://Chinese.cri.cn ang live coverage sa pamamagitan ng mga litrato at artikulo.
Salin: Li Feng