Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isang pares ng panda ng Tsina, magsisimula ng bagong pamumuhay sa Timog Korea

(GMT+08:00) 2016-03-03 11:25:10       CRI
Darating ngayong hapon sa Timog Korea sina Yuan Xin at Huani, isang pares ng giant panda ng Tsina para simulan ang 15 taong bagong pamumuhay sa bansang ito.

Ang naturang dalawang panda ay galing sa China Conservation and Research Center for the Giant Panda (CCRCGP) sa Chengdu, Sichuan Province sa dakong Kanluran ng Tsina, at ito ay bahagi ng isang magkasanib na programa ng pananaliksik ng Tsina at Timog Korea.

  

Kumakain ang giant panda na si Yuan Xin ng kawayan sa Dujiangyan Base ng China Conservation and Research Center for the Giant Panda (CCRCGP) sa lalawigang Sichuan ng Tsina.

Si Yuan Xin ay tatlong taong gulang na lalaki at si Hua Ni ay dalawang taong gulang na babae.

Upang maayos na asikasuhin ang pamumuhay ng mga panda sa Timog Korea, ipinadala rin ng CCRCGP ang isang panda keeper and isang vet.

Ang Panda World, bagong bahay ng naturang dalawang panda ay may lawak na 3,300 metro-kuwatrado na nasa Everland, isang popular na theme park na may halos 40 kilometrong layo sa Seoul, kabisera ng Timog Korea.

Sinabi ni Kwon Koon-whan, Puno ng Everland na upang ipagkaloob ang parehong kapaligiran ng Sichuan para sa mga panda, inilagay nila ang thermostatic at humidity equipment sa bahay at itinanim ang mga kawayan dito. Umaasa aniya siyang magkakaanak ang naturang pares ng panda sa Timog Korea.

Noong 1994, ipinahiram ng Tsina ang isang pares ng panda sa Timog Korea at bumalik ang mga panda sa Tsina pagkaraan ng 4 na taon.

Ang programa ng pananaliksik at pagpapalitan ng mga panda ng Tsina at ibang mga bansa ay pinangungunahan ng CCRCGP. Sapul noong 1990s, ipinadala ng CCRCGP ang 32 pares ng panda sa 10 bansa at rehiyon at isinilang ang 22 batang panda sa ibayong dagat.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>