Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw, Martes, ika-8 ng Marso 2016, sa Beijing, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na gumagawa ang kanyang bansa ng iba't ibang pagsisikap, para sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Aniya, may kakayahan at kompiyansa ang Tsina, na panatilihin, kasama ng mga bansang ASEAN, ang mapayapang pag-unlad ng karagatang ito.
Ani Wang, itinatag ng Tsina ang China-ASEAN Maritime Cooperation Fund, at isinasagawa ang mahigit sa 40 proyektong pangkooperasyon. Aniya, aktibong pinasusulong din ng Tsina ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea, at iniharap ang mungkahi hinggil sa pagbuo ng mga hakbangin ng pangangasiwa at pagkontrol sa mga panganib sa dagat.
Sinabi rin ni Wang na ang kalayaan sa nabigasyon sa South China Sea ay hindi nangangahulugan ng paggawa ng anumang bagay batay sa sariling kagustuhan. Aniya, hinding hindi papayagan ng Tsina at karamihan sa mga bansa sa rehiyong ito ang mga tangkang magdulot ng kaguluhan sa South China Sea at magkaroon ng walang-katatagan sa Asya.
Binigyang-diin din ni Wang na ang Tsina ay hindi ang bansang pinakamaagang nag-deploy ng sandata sa South China Sea, o bansang nag-deploy ng pinakamaraming sandata, o bansang nagkakaroon ng pinakamadalas na aksyong militar. Aniya, sa halip na Tsina, ibang bansa ang dapat paratangan sa pagsasagawa ng militarisasyon sa karagatang ito.
Salin: Liu Kai