|
||||||||
|
||
ANG pagpapatakbo ng tren samantalang bukas ang pinto kahapon ay isang paglabag sa alituntunin sa kaligtasan ng mga pasahero. Hindi nararapat tumakbo ang tren ng bukas ang pinto. Ito ang pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan.
Ang mga pasahero ay nararapat pinayuhang bumaba na ng tren sapagkat ang kaligtasan ng mga pasahero ang nararapat bigyang halaga ng pamahalaan.
Dalawang estasyon ng tren ang dinaanan samantalang bukas ang pinto nito. Parang walang halaga ang kaligtasan ng mga pasahero. Narinig na lamang sa security guard na humawak ng mahigpit.
Ipinagtatanong ng Bayan kung bakit walang pakundanan ang management sa kaligtasan ng mga pasahero. Nararapat lamang itong siyasatin ng pamahalaan. Ilang mga tren ang tumatakbo ng ganito ang kalagayan? Mas mahalaga ba sa operators nito ang tubo kaysa paggasta para sa maintenance, tanong pa ng BAYAN.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |