Idinaos kahapon, Biyernes, ika-11 ng Marso 2016, sa Beijing ang ikatlong sesyong plenaryo ng taunang sesyon ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC). Bumigkas ng talumpati ang 15 kagawad ng CPPCC hinggil sa pagpapaunlad ng mga usapin ng lipunan at kultura ng bansa.
Iniharap ng mga kagawad ang mga konkretong mungkahi hinggil sa pagsasagawa ng two-child policy, pagpapalakas ng vocational education, pagpapabuti ng reporma sa healthcare system, paggagalugad ng yamang panturismo sa kanayunan, pangangalaga sa kapakanan ng mga rural migrant worker, pagpapalakas ng pagbibigay-tulong sa mga may-kapansanan, pagpapalawak ng paraan ng pangangalap ng pondo para sa industriya ng hay-tek, pagpapasigla sa literary at artistic creation, at iba pa.
Lumahok din sa sesyon ang mga opisyal ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Konseho ng Estado, para pakinggan ang mga mungkahi ng mga kagawad.
Salin: Liu Kai