|
||||||||
|
||
Hanggang nitong Linggo, Marso 13, 2016, ika-6 na araw ng idinaraos na Ika-4 na Taunang Sesyon ng Ika-12 National People's Congress (NPC), punong lehislatura ng Tsina, apat na raan animnapu't dalawang (462) mosyon ang naihain na ng mga mambababatas.
Ayon kay Kong Ping, opisyal ng Sekretaryat ng nasabing sesyon, 442 sa mga mosyon ang may kinalaman sa lehislasyon sa market economy, repormang pangkultura, pakikibaka laban sa katiwalian, kapaligiran at pagpapatupad sa batas. Ang ibang mosyon naman ay may kinalaman sa superbisyon sa NPC at iba pa.
Simula noong 1983, ibinigay sa mga deputado ng NPC ang tungkulin ng paghahain ng mosyon sa taunang sesyon.
Ang mga mosyon ay maaaring gawing batas kung pagtitibayin ang mga ito.
Samantala, natanggap din ng nabanggit na sekretaryat ang 8,600 mungkahi mula sa mga deputado ng NPC, subalit ang mga ito ay hindi kasimpormal kumpara sa mosyon at hindi rin legally binding.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |