Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Taunang sesyon ng CPPCC, ipininid

(GMT+08:00) 2016-03-15 11:18:05       CRI
Ipininid Lunes ng hapon, ika-14 ng Marso 2016, sa Beijing ang Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC.

Pinagtibay sa sesyon ang resolusyon hinggil sa ulat ng mga gawain ng pirmihang lupon ng CPPCC, ulat ng pagsusuri sa mga mosyon, at resolusyong pampulitika ng sesyong ito.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng CPPCC, na sa kasalukuyang sesyon, tinalakay ng mga kagawad ng CPPCC ang mga mahalagang dokumento na gaya ng ulat ng mga gawain ng pamahalaan, burador na outline ng ika-13 panlimahang plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at iba pa. Lubos aniyang pinatingkad ng mga kagawad ang papel bilang tagapayong pampulitika.

Tinukoy din ni Yu na sa susunod, buong sikap at patuloy na isasakatuparan ng CPPCC ang pangunahing gawain ng pagharap ng mga mungkahi hinggil sa pagpapaunlad ng iba't ibang usapin ng bansa, sa panahon ng ika-13 panlimahang plano.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>