Kaugnay ng idaraos na unang summit ng mekanismo ng kooperasyon ng Lancang-Mekong River sa huling dako ng buwang ito sa lalawigang Hainan ng Tsina, ipinalalagay ni Do Tien Sam, Editor in Chief ng China Studies Review ng Biyetnam, na ang naturang kooperasyon sa Lancang-Mekong River ay nagpapasulong ng kooperasyon at pagkaunawaan ng mga bansa sa paligid ng ilog.
Ang naturang mekanismo ay kinabibilangan ng Tsina, Biyetnam, Laos, Cambodia, Thailand at Myanmar.
Sinabi pa niyang mahalaga ang pagtatatag ng naturang mekanismo at sa pamamagitan ng pagkakatatag ng ASEAN Community, ang naturang mekanismo ay nagpapalalim din ng mga kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN.