Ipinatalastas kahapon, Marso 21, 2016 ng China Railway Group Limited(CRGL) ang plano ng pagtatatag ng isang regional headquarter sa Bandar Commercial Complex ng Kuala Lumpur, kabisera ng Malaysia para pasulungin ang konstruksyon ng daambakal at lansangan sa Timog-Silangang Asya. Tinatayang aabot sa 2 bilyong dolyares ang gastos ng nasabing plano.
Ayon sa city building landscape ng Malaysia, ang Bandar ay magiging isang pandaigdigang sentrong pantransportasyon, pangkubuhayan at pangkultura ng Malaysia.