Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

World Media Summit Doha Statement, ipinalabas

(GMT+08:00) 2016-03-22 16:38:05       CRI

Ipininid nitong Lunes, Marso 21 sa Doha, kabisera ng Qatar ang 2 araw na 3rd World Media Summit (WMS) 2016. Narating ng mga kalahok ang mga komong palagay hinggil sa pagharap sa pag-ahon ng "new media" at pagpapalaganap ng inobasyon sa media. Pagkaraan ng summit, ipinalabas ang "World Media Summit Doha Statement."

Ayon sa dokumento, patuloy na isasabalikat ng WMS ang dating tungkulin sa paghubog ng mga mamamahayag tungkol sa iba't ibang aspekto ng media production, sariling kaligtasan sa mapanganib na kapaligiran, at pagtanto ng karapatan at responsibilidad bilang isang mamamahayag.

Winelkam din ng WMS ang mga bagong miyembro sa kahit anumang rehiyon at sa kahit anumang uri ng media. Inenkorahe rin nito ang pagkakaisa ng mga media para gumanap ng mas mahalagang papel sa pagpapasulong ng pagkakaunawaan ng sangkatauhan.

Ang unang WMS, ay ini-propose at ini-organisa ng Xinhua News Agency sa Beijing noong 2009. Ang ikalawang WMS naman ay idinaos sa Moscow noong 2012.

Ang summit na ito ay itinaguyod ng Qatar-based Al Jazeera Media Network at may temang "The Future of News and News Organizations." Nilakuhan ito ng mahigit 350 kinatawan mula sa media outlets ng 100 bansa. Nagtalakayan sila hinggil sa impluwensiya ng teknolohiya sa news reporting, mekanismo para sa pangangalaga sa mga mamamahayag, audience fatigue vs. editor fatigue, at muling pagtatatag ng business models ng media.

Arafat Shoukri, Manager ng Executive Committee ng World Media Summit Doha sa seremonya ng pagpipinid ng WMS 2016

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>