Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, may-ari ng karapatan at kapakanang pandagat ng Nansha Islands sa kabuuan

(GMT+08:00) 2016-03-25 12:25:00       CRI

Sa regular na preskon Huwebes, ika-24 ng Marso 2016, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Nansha Islands na kinabibilangan ng Taiping Island ay teritoryo ng Tsina mula pa noong sinaunang panahon. Ang Tsina aniya ang may-ari ng karapatan at kapakanang pandagat ng Nansha Islands sa kabuuan, at may responsibilidad ang mga Tsino sa magkabilang pampang ng Taiwan Strait na magkasamang pangalagaan ang pamana ng mga ninuno ng nasyong Tsino.

"Malinaw at palagian ang paninindigan ng panig Tsino na hindi ito tatanggap at hindi ito makikisangkot sa arbitrasyon sa South China Sea ng Pilipinas," ani Hua. Dagdag pa niyang buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang tangka ng Pilipinas na unilateral na pabulaanan ang teritoryo, soberanya, at karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina sa South China Sea, sa pamamagitan ng arbitrasyon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>