Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Indonesya, positibo sa prospek ng kooperasyong Tsino-Indones sa renewable energy

(GMT+08:00) 2016-04-04 15:25:51       CRI
Nang kapanayamin kamakailan ng Chinese media, sinabi ni Sudirman Said, Ministro ng Enerhiya at Yamang Mineral ng Indonesya, na positibo siya sa prospek ng kooperasyon ng Indonesya at Tsina sa renewable energy.

Ipinahayag ni Said na matatag at di-magbabago ang mga patakaran ng Indonesya hinggil sa pagpapaunlad ng renewable energy. Aniya, ipinalabas na ng pamahalaan ng Indonesya ang batas hinggil sa pagbibigay-priyoridad sa renewable energy, at hihikayatin din ang mas maraming pamumuhunan sa pagpapaunlad ng renewable energy.

Samantala, sinabi ni Said na ang Tsina ay mahalagang kalahok at tagapagsuplay ng teknolohiya sa pandaigdig na pamilihan ng renewable energy. Umaasa aniya siyang palalakasin ng Indonesya at Tsina ang kooperasyon sa renewable energy, na gaya ng solar energy at wind energy.

Ipinalalagay din ni Said na kailangang isaalang-alang ng mga bansa sa rehiyong ito ang pagpapalakas ng kooperasyon sa connectivity sa enerhiya, bilang isa sa mga pangunahing aspekto ng rehiyonal na kooperasyon sa renewable energy.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>