Iniharap ngayong araw, Lunes, ika-4 ng Abril 2016, ni Pangulong Htin Kyaw ng Myanmar sa Union Parliament, ang listahan ng bagong Ministro ng Edukasyon, at bagong Ministro ng Elektrisidad at Enerhiya. Sila ay magiging kapalit ni Aung San Su Kyi, Puno ng National League for Democracy, sa naturang dalawang puwesto.
Bukas, tatalakayin at pagbobotohan ng Union Parliament ang listahang ito.
Nauna rito, nanumpa sa tungkulin noong ika-30 ng nagdaang Marso ang bagong pamahalaan ng Myanmar. Si Aung San Su Kyi ay nanungkulan bilang ministro ng 4 na ministri. Bukod sa naturang dalawang ministri, ang dalawang iba pa ay Ministring Panlabas at Ministri ng Tanggapang Pampanguluhan.
Salin: Liu Kai