Ipinahayag ngayong araw, April 7, 2016, sa Beijing ni Francesco La Camera, opisyal ng Ministri ng Kapaligiran, Lupa at Dagat ng Italya, na puno siya ng pananalig sa sustenableng pag-unlad ng Tsina.
Sinabi niyang lubos na nabatid ng pamahalaang Tsino ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran at isinasagawa ang mga pagsisikap para rito. Dagdag pa niya, tumatahak ang pamahalaang Tsino sa tamang landas ng pangangalaga sa kapaligiran.
Sinabi rin niyang malaki ang espasyo ng kooperasyon ng Italya at Tsina sa pangangalaga sa kapaligiran.