Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Guo Shengkun at Paiboon Koomchaya, nag-usap

(GMT+08:00) 2016-04-21 10:10:05       CRI

Dumalo sa New York nitong Martes, Abril 19, 2016 si Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina sa 2016 espesyal na pulong ng Pangkalahatang Asemblea ng UN hinggil sa isyu ng droga. Sa sidelines ng pulong, nakipag-usap siya kay Paiboon Koomchaya, Ministro ng Katarungan ng Thailand. Ipinahayag ni Guo na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Thailand para ibayo pang palalimin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, upang mapasulong ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership. Umaasa aniya siyang totohanang tutupdin ng dalawang panig ang komong palagay na narating sa unang Lancang-Mekong Summit at resolusyon ng naturang espesyal na pulong ng UN, at pahihigpitin ang pagpapalitan ng impormasyon sa paglaban sa droga para pangalagaan ang katatagan at seguridad ng rehiyon.

Ipinahayag naman ni Paiboon Koomchaya ang pagpapahalaga sa papel ng Tsina sa pagbibigay-dagok sa pagpupuslit ng droga at pangangalaga sa katatagan ng rehiyon. Nakahanda aniya siyang mapahigpit ang pragmatikong pakikipagtulungan sa Tsina sa security enforcement, lalo na sa paglaban sa droga.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>