|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, Dumalo sa AFP Ceremonies. Naging panauhing pandangal si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagbabago ng liderato sa Armed Forces of the Philippines kaninang umaga. Hinalinhan ni Lt. General Glorioso Miranda, acting Chief of Staff si General Hernando Iriberri na nagretiro sa edad na 56. Makikita si Pangulong Aquino sa kanyang pagbibigay-galang sa watawat ng Pilipinas. (AFP Photo)
NANGAKO si Lt. General Glorioso Miranda, ang acting chief of staff ng Armed Forces of the Philippines na gagawin ang lahat upang mapanatiling payapa ang darating na halalan sa ikalawang Lunes ng Mayo, ilang linggo mula ngayon.
Nangako ang buong Armed Forces of the Philippines na gagawin ang lahat sa pagdaraos ng maayos at payapang halalan. Siya ang humalili kay General Hernando Iriberri na nagretiro na sa pagsapit ng ika-56 na taong gulang.
Pangulong Aquino, nanawagang magkaroon ng payapang halalan. Ito ang isa sa kanyang mensahe sa seremonya kaninang umaga sa Armed Forces of the Philippines na sumaksi sa pagpapalit ng chief of staff. Acting Chief of Staff laming si Lt. General Glorioso Miranda upang biglang lays ang susunod na pangulong humirang ng permanent chief of staff. (AFP Photo)
Sinabi pa ni Lt. General Miranda na walang papanigan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Si Miranda ay dating AFP vice chief of staff. Nangako rin siyang itutuloy ang walang humpay na kampanya laban sa mga kalaban ng bansa sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Ani Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, isang strategist si General Miranda.
General Iriberri, pinarangalan. Makikita si outgoing AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri na nagbibigay-pugay sa mga watawat ng Armed Forces of the Philippines sa seremonyang idinaos kanina sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City. Walling hinirang na permanent AFP chief of staff dahil mayroong election ban. (AFP Photo)
Ani Brig. General Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, hindi humirang ng permanenteng chief of staff si Pangulong Aquino upang bigyan ang susunod na pangulo ng karapatang makapamili ng maluluklok sa puesto.
Walang sinumang magagalaw sa kanilang posisyon hanggang hindi pa tapos ang halalan. Ang pagreretiro ni General Iriberri ay naganap sa panahon ba ipinagbabawal ang anumang appointment sa puesto nino man.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |