|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina, idinaraos Abril 27 at 28 ang Ika-5 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA).
Sa ilalim ng temang Diyalogo, Magpapasulong sa Seguridad, tinalakay ng mga kalahok kung paano pasusulungin ang kooperasyon sa pangangalaga sa sustenableng seguridad ng Asya.
Sa mungkahi ni Pangulong Nursultan Nazarbayev ng Kazakhstan, ang CICA ay itinatag noong 1992. Bilang forum na nagtatampok sa seguridad ng Asya, binubuo ito ng 26 na kasaping bansa na kinabibilangan ng Tsina, at 12 tagamasid na bansa o organisasyong pandaigdig. Sa mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Thailand, Biyetnam at Cambodia ay kasaping bansa ng CICA at ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia ay bansang tagamasid.
Bilang punong-abala, kinatagpo nitong Miyerkules, Abril 27 ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mga counterpart na kalahok sa pulong.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |