Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nanawagan sa pananangan sa komon, komprehensibo at sustenableng seguridad ng Asya: CICA

(GMT+08:00) 2016-04-28 12:23:57       CRI

Beijing, Tsina-- Kasalukuyang idinaraos ang Ika-5 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA). Sa kanyang keynote speech sa pulong, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga kalahok na manangan sa ideya ng komon, komprehensibo at sustenableng seguridad ng Asya para sa komong kaunlaran.

Ang nasabing ideya ay iniharap ni Xi sa CICA Summit sa Shanghai noong 2014.

Si Pangulong Xi habang nagtatalumpati sa pulong

Inulit ng Pangulong Tsino ang patuloy na pagtahak ng bansa sa landas ng mapayapang pag-unlad.

Kaugnay ng kalagayan ng South China Sea, muling ipinahayag ni Xi ang paninindigan ng Tsina na magkasamang lutasin ang pagkakaiba sa pagitan ng mga may direktang kinalamang bansa, sa pamamagitan ng diyalogo. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pangalagaan ang katatagan ng rehiyon at gawin ang South China Sea bilang karagatan ng kapayapaan, pagkakaibigan at pagtutulungan.

Sa ilalim ng temang Diyalogo, Magpapasulong sa Seguridad, tinalakay ng mga kalahok kung paano pasusulungin ang kooperasyon sa pangangalaga sa sustenableng seguridad ng Asya.

Sa mungkahi ni Pangulong Nursultan Nazarbayev ng Kazakhstan, ang CICA ay itinatag noong 1992. Bilang forum na nagtatampok sa seguridad ng Asya, binubuo ito ng 26 na kasaping bansa na kinabibilangan ng Tsina, at 12 tagamasid na bansa o organisasyong pandaigdig. Sa mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Thailand, Biyetnam at Cambodia ay kasaping bansa ng CICA at ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia ay bansang tagamasid.

Bilang punong-abala, kinatagpo nitong Miyerkules, Abril 27 ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mga counterpart na kalahok sa pulong.

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>