Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

El Nino, malaking pinsala ang idinulot sa industriya ng asukal

(GMT+08:00) 2016-04-28 17:53:02       CRI

TINATAYA ng Sugar Regulatory Administration na umabot sa P182 milyon ang pinsala sa industriya ng tubo at pulot sa Negros Occidental dahil sa matagal na tagtuyo na mula sa El Nino.

Hanggang noong Martes, umabot sa 92,230.27 kilo na nagkakahalaga ng P 167.74 milyon ang nawala sa asukal samantang may 1,532.95 tonelada na nagkakahalaga ng P 23.93 milyon ang nawala sa pulot o molasses.

Nanawagan na ang SRA sa mga magsasaka ng tubo sa Negros Occidental na kumilos upang maibsan ang masamang epekto ng El Nino.

Ayon kay Helen Lobaton, pinuno ng Extension Services Division ng SRA sa Kabisayaan, may 9,799 na magsasakang nagbubungkal ng may 9,800 ektaryang tubohan ang apektado ng El Nino. Nabatid na ang pinakaapektado ay ang mga magsasakang nahuli sa pagtatanim ng tubo.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>