|
||||||||
|
||
LIMANG Filipino ang dumating kaninang ika-apat na hapon sa ilalim ng Mandatory Repatriation Programme ng Pilipinas sakay ng Emirates Air Flight EK332 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Nagtrabaho at nanirahan sa Damascus, Aleppo at Latakia governorates bago nagdesisyong gamitin ang MRP ng mga manggagawa at pansamantalang nanirahan sa Halfway Quarters ng Philippine Embassy sa Damascus.
Umabot na sa 5,791 ang umuwi mula sa Syria simula ng sumiklab ang kaguluhan noong 2011.
Patuloy ang koordinasyon ng mga taga-Philippine Embassy sa Syrian Foreign Ministry upang mabigyan ng exit visas ang mga Filipino na pansamantalang naninirahan sa Halfway Quarters. Tulad ng mga nakalipas na karanasan, hindi na siningil ang limang manggagawa ng exit requirements at multa sa pagtulong ng pamahalaan ng Syria.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |