Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating Chief Justice Corona, namayapa na

(GMT+08:00) 2016-05-03 09:18:20       CRI

PUMANAW na si dating Chief Justice Renato Corona kaninang madaling araw sa Medical City sa Pasig City. Ito ang nabatid mula sa National Transformation Council. Namayapa ang dating punong mahistrado sa edad na 67.

Nasawi ang dating chief justice dahil sa atake sa puso. Unang lumabas ang balita sa mga himpilan ng radyo at nagkaroon ng kumpirmasyon sa Twitter account ni Supreme Court Spokesman Theodore Te. Ipinag-utos na ni Chief Justice Lourdes Sereno ang paglalagas ng watawat sa lahat ng hukuman sa half-mast bilang pagluluksa.

Si Chief Justice Corona ang ika-23 punong mahistrado ng Pilipinas at unang miyembro ng Korte Suprema na napatalsik sa puesto. Nag-aral sa Ateneo de Manila mula sa mababang paaralan hanggang sa College of Law, naglingkod siya sa ilalim ng dalawang pangulo mula ng mahirang na mahistrado noong 2002.

Si Chief Justice Corona ang nabantog sa desisyon ng Korte Suprema na nagbabalik ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka mula sa mga Cojuangco na kinabibilangan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Si Chief Justice Corona rin ang namuno sa desisyon na nagpapawalang-saysay sa Executive Order No. 1 ni Pangulong Aquino na naglalayong imbestigahan ang mga ginawa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ibuburol ang kanyang labi sa Heritage Park mula bukas. Naulila si Gng. Cristina Basa Roco at ang kanilang tatlong supling.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>