Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ambassador Erlinda Basilio, na sa pagamutan pa

(GMT+08:00) 2016-05-03 09:18:49       CRI

KASALUKUYANG na sa pagamutan si Philippine Ambassador to China, si dating Foreign Relations Undersecretary Erlinda Basilio.

Sa isang pahayag ng Department of Foreign Affairs, nabatid na nasa pagamutan si Ambassador Basilio at inaalagaan ng isang magaling na koponan ng mga manggagamot.

Si Minister Elizabeth Te ang pansamantalang nangangasiwa sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing.

Hinirang ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III si Ambassador Basilio noong Disyembre 2012 bilang kahalili ni Ambassador Sonia Brady na nagkasakit din.

Isang career diplomat si Ambassador Basilio na naglingkod na sa pamahalaan, partikular sa larangan ng ugnayang panglabas sa nakalipas na 45 taon at nakapaglingkod na ng walong taon sa Tokyo bilang vice-consul at consul hanggang sa naging consul-general. Walong taon din siyang naglingkod sa Cuba. Noong 2007 hanggang 2010, naglingkod siya bilang kinatawan ng Pilipinas sa United Nations sa Geneva sa Switzerland.

Nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts in Political Science at mayroong Master of Arts in Asian Studies mula sa University of the Philippines.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>