Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasunduan ng Meralco at mga binibilhan ng kuryente, ipinadala na sa Energy Regulatory Commission

(GMT+08:00) 2016-05-04 17:59:56       CRI

SA larangan ng Kalakal, isinumite na ng Manila Electric Company ang pitong Power Supply Agreements sa power suppliers sa Energy Regulatory Commission noong nakalipas na linggo.

Sa isang pahayag na inilabas kanina, sinabi ni Meralco Senior Vice President and Head ng Customer Retail Services at Corporate Communications Alfredo S. Panlilio na ang mga PSA ay naaayon sa pangmatagalang load projections ng kumpanya. Lalago ang pangangailangan sa kuryente mula sa 3.6% hanggang 3.7%.

Ipinaliwanag ni G. Panlilio na obligasyon ng Meralco na pagkunan ng kuryente sa murang halaga at matiyak na maaasahan ang supply nito para sa lahat ng customers sa pagtaas ng pangangailangan ng mga customer at sa pagtatapos ng mga kasunduan pagsapit ng taong 2019 hanggang 2020,kailangan ng Meralco na madagdag ng kapasidad sa pamamagitan ng kasunduan sa mga bagong supplier. Ayon sa nilalaman ng kasunduan, bibili ang Meralco ng 3.551 MW ng contract capacity at associated energy sa mga bagong power plant na magsisimula ng commercial operation sa 2020 maliban sa Panay Energy Development Corporation na magsisimulang kunan ng kuryenteng aabot sa ika-28 ng Setyembre ng taong ito sa oras na sumang-ayon ang Energy Regulatory Commission.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>