|
||||||||
|
||
INILABAS nan g Department of Budget and Management ang halagang P 842,500,000 upang dagdagan ang Quick Response Fund ng Department of Social Welfare and Development. Gagamitin ang pondo para sa mga porgramang tutugon sa El Nino kabilang na ang pambili ng foodpacks na dadalhin sa mga bodega ng tanggapan at maging sa paghahanda para sa anumang trahedya. May salapi na rin para sa food-for-work at pagkain ng mga nangangailangan. May nakalaan na rin para sa shelter assistance at dagdag na relief supplies.
Kumakatawan ang pondo sa pre-disaster at standby funds para sa mga ahensya na madaling makatutugon sa mga pook na tinamaan ng kalamidad.
Liban sa DSWD, may QRF funds din ang Department of Public Works and Highways, Department of National Defense, Office of Civil Defense, Department of Education at Department of Agriculture.
Sa oras na maubos ang pondo, makahihingi ang ahensya ng dagdag na salapi kung sasang-ayon ang DBM.
Ito na ang ikalawang dagdag sa QRF ng DSWD sa taong 2016. Dinagdagan nan g Department of Budget and Management ang pondo ng ahensya sa halagang P662,500.00.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |