|
||||||||
|
||
Sampung bansang ASEAN, kasama ng 6 na trade partner nito na kinabibilangan ng Australia, Tsina, India, Hapon, New Zealand at Timog Korea ay magdaraos ng ika-13 round ng talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa Auckland, New Zealand mula ika-12 hanggang 18 ng Hunyo.
Ito ang ipinahayag ni Trade Minister Todd McClay ng New Zealand makaraang ipinid ang ika-12 round ng nasabing talastasan sa katapusan ng Abril.
Idinagdag pa ni McClay na ang RCEP ay naglalayong palawakin at palalimin ang kasalukuyang kasunduan ng malayang kalakalan ng ASEAN at nabanggit na anim na trade partner nito.
Kapag natapos, ang RCEP ay magiging pinakamalaking trade bloc sa daigdig sa aspeto ng populasyon na may bilang na 3 bilyon.
Nagsimula ang talastasan sa RCEP noong Mayo, 2013 at inaasahang matatapos ito sa taong ito.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |