Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

8 teroristang suspek, naaresto sa Singapore

(GMT+08:00) 2016-05-05 10:55:46       CRI

Ayon sa pahayag na inilabas nitong Martes, Mayo 3, 2016, ng Ministry of Home Affairs (MHA) ng Singapore, naaresto ang 8 suspek na teroristang Bangladeshi batay sa Internal Security Act nitong nagdaang Abril.

Ayon sa ulat, ang naturang mga suspek ay nagtrabaho sa Singapore at sumali sa grupong Islamic State in Bangladesh (ISB). Ang ISB ay itinatag ni Rahman Miznaur sa Singapore nitong nagdaang Marso.

Ayon sa MHA, wala pa silang planong pag-atake sa Singapore, pero binalak nilang isagawa ang teroristikong atake sa kanilang inangbayan.

Upang mapigilan ang pagkalat ng Islamic State (IS), pinahigpit ng Singapore ang mga hakbanging laban sa terorismo.

Ang mga pangunahing umiiral na hakbangin ng Singapore ay kinabibilangan ng pagpapabuti ng mga batas sa seguridad at paglaban sa terosimo, pagpapataas ng kakayahan ng tropa at pulis sa pangkagipitang paglaban sa terorismo, at pagsasapubliko ng planong SG Secure sa buong bansa para komprehensibong palakasin ang kakayahan ng mga komunidad sa paglaban sa terorismo.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>