Ayon sa ulat ng Nanyang Siang Pau ng Malaysia, kinakaharap ng mga bansang ASEAN ang pinakamalubhang epekto ng El Niño sa kasaysayan at dulot nito, tinayang aabot sa 10 bilyong dolyares ang kapinsalaan sa kabuhayan ng ASEAN.
Ayon sa ulat, ang El Niño ay nagdulot ng mga kapahamakang pangkalikasan sa mga bansang ASEAN na gaya ng tagtuyo sa mga bansa sa rehiyon ng Mekong River, kakulangan sa pagkaing-butil sa Pilipinas, at labis na mainit na panahon.
Tinaya ng mga dalubhasa na pagkatapos ng El Niño, magaganap naman ang La Niña na magdudulot ng labis na pag-ulan sa Timog-silangang Asya at makakaapekto sa aanihing mga pananim.