Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Limang bansang ASEAN, ibabahagi ng mga impormasyon ng haze

(GMT+08:00) 2016-05-05 12:50:55       CRI

Ipinahayag nitong Miyerkules, Mayo 9, 2016 ni Masagos Zulkifli, Ministro ng Kapaligiran at Yamang Tubig ng Singapore na narating na ng mga opisyal mula sa Singapore, Brunei, Indonesiya, Malaysiya at Thailand ang pagkakaisa tungkol sa pagbabahagi ng mga impormasyon ng haze.

Idinaos ang ika-18 Meeting of the Sub-Regional Ministerial Steering Committee (MSC) on Transboundary Haze Pollution noong Mayo 4, sa Singapore.

Napag-alamang isasagawa ng limang bansa ang isang regional study para tasahin ang epekto ng haze sa kabuhayan, kalusugan at lipunan.

Sinabi ni Masagos Zulkifli, na isasagawa rin ng limang bansa ang pananaliksik sa magkakaibang aspekto, halimbawa, mamamahala ang Singapore sa pananaliksik ng epekto ng haze sa turismo at pag-uukulan naman ng pansin ng Indonesiya ang pananaliksik sa epekto ng haze sa produksyon ng pagkain-butil.

Nitong ilang taong nakalipas, nananatiling malaking problema sa mga bansang ASEAN ang haze. Pinapalawak ng ilang kompanya at tao sa Sumatra ang pagsasaka sa pamamagitan ng kaingin na nagdulot ng grabeng polusyon sa hangin. Naapektuhan ng haze ang Singapore, Malaysiya at ibang bansa.

Bukod ng kaingin, ang forest fire ay magdudulot din ng grabeng haze. Ayon sa ulat na ipinalabas kamakailan ng World Bank, mula Hunyo hanggang Oktubre 2015, umabot sa 2.6 milyong hektaryang gubat at lupa ang nasira sa forest fire ng Indonesiya at lalampas sa 16 bilyong dolyares ang mga kapinsalaan na katumbas sa 1.9% ang inaasahang GDP ng Indonesiya para sa taong 2016. Ang Singapore naman ay nakaranas ng 500 milyong USD na kapinsalaan dahil sa haze.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>